May Facebook ka ba? Kung meron, syempre, may friends ka. Excited ka mag-status. Check ng notifications, approve ng requests, check ng inbox, mag-like, view ng comments at mag-comment. Hindi ko alam kung paano ko itatawid 'to sa topic na gusto ko i-elaborate. Hahaha.
Masyado na tayong na-attach sa social networking site na ito. Attached. In a way na pag masaya ka, oooooppss! Isatus ko yan. Pag malungkot, pak! Post ng link galing Youtube na labsong. Pag may kaaway ka, eto pinakamatinde, MUMURAHIN KO 'TO SA ISTATUS KO SA EP-BI PERO HINDI KO PAPANGALANAN KASI GUSTO KO UNG MAY SUSPENSE-FACTOR UNG ISTATUS KO. MAHILIG AKO SA GUESSING GAME!!!
Watdapakisdat?!
Kelangan pa ba talagang malaman ng buong kamunduhan kung anong galit ang meron ka sa isang tao? Kelangan ba ipaalam mo sa lahat na marunong ka magmura nakakatakot ang istatus mo dahil PURO KAPSLAK AT TADTAD NG !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ?! Kelangan mo pa ba ipaalam sa tao kung ga'ano kababa ang pagkatao mo bilang sa isang website lang sa internet mo dinedepende yung galit mo?
Easy lang. Nakaka-highblood.
Pupuwede namang;
What's on your paking mind?
"Galit Ako"
or kung meron kang sapat na lakas ng loob para tuwirang sabihin sa kaaway mo, eto oh,
"Galit Ako ngayon kay (pangalan ng kukulamin)."
If enough is still not enough..
"(pangalan ng kukulamin), NASAANG SULOK KA NG MUNDO? I WANNA TALK WIJU, PERSONAL."
or
"(Emo quote muna or isang matinding b*tch line)-- Para sa'yo yan (pangalan ng kukulamin)!"
Chill lang di'ba? Relaxed. Wala kang ibang taong bibigyan ng VadBives pag may ibang nakabasa. Easy. Hindi nakakangawit. Kuha?
Tandaan;
"Public display of grudge and vengeance doesn't make you a higher person above anyone else, especially, not a better person on His eyes.." - Kuya Jonas Mo with Love :)
Sa susunod. Usap ulit tayo. :D