Since ang
UNDAS ay katatapos lang, 'yan nalang ang pambuena mano natin.
___
Kung Pilipino ka, alam
mo na tuwing November 1/2 ay UNDAS. Kundi man All Saints Day, All Souls Day, Halloween, Araw ng Mga Patay, Ng Kalu
luwa o kung anuman ang gusto mo itawag jan. Araw ng Tulog ang tawag jan ng mga gaya kong estudyante. Hehe. Kung hindi ka naman Pilipino, malamang, hindi mo maiintindihan 'to. Hanap ka nalang ng porn site, mas matutuwa ka pa Ü. (If you're not a Filipino, you might probably won't understand this. Just look for a porn site, I bet you'll have more fun with that Ü)
Tradisyon ng ilan sa mga kababayan natin na dalawin ang kanilang mga naulila tuwing Undas. Kesa nga naman sila ang dalawin, wala naman atang matino ang may gusto no'n. May ilan na a-trenta palang ng October eh abala na sa pagkukudkod ng mga natuyong kandila sa lapida nung nakaraang undas. Pagwawalis ng mga kalat sa museleo. Pagpipintura ng mga nitso. At yung iba naman eh abala sa panggugulo.
Ako yun. :)
Masaya ang Undas sa Pinas. Aminin natin yan. Nagsisilbing reunion ito ng mga "naulila" at nagpi-feeling "naulila". Kung makakatakas, ginagawa din itong araw ng sugal. Kung hindi uubra sa gate ng sementeryo ang mga dalang baraha, eh hello?! Pinoy tayo. Kahit 3 pirasong benchingko 'yan, mapagpupustahan 'yan. Pustahan tayo.
Eto ang ilang mga bagay na may tatak na "Pinoy Undas"
- Unahin na natin ang mga pagkaing umaapaw tuwing araw ng mga deds. Kami, tuwing undas, hindi puwedeng hindi magluluto ng ulam, ga
gawa ng sanwits, bibili ng sopdrings, bibili ng sitsirya/kukutin. Ewan ko ba kung bakit mukang piyesta ang undas namin. Laging may mga pagkaing masasarap. Siguro yung iba eh nakaka-relate. Bakit nga ba? Ipinagdiriwang ba natin na namatayan tayo? Hehe. Pero isa 'to sa mga bagay na pg wala eh nagpapakulang ng Undas ko. :)
- Ang Bola. Bow. Alam kong minsan e natukso din tayo na sundutin yung mga tulo ng kandila, tapos, bibilugin natin ng sinlaki ng kulangot tapos isasawsaw ulit natin atsaka bibilugin hanggang sa makabuo ka ng bolang gawa sa kandila at tulyang matumba ang walang malay na kandilang pinaglalaruan mo sabay sigaw ng nanay mo.. "P*tangin*mooo! Lumayas ka nga jan! Tantanan mo 'yang kandila, ipakakain ko sayo 'yan!!!".
- Chika Minute! Tamaaa! Kung nagbabasa ka ng maige, sabi ko nga kanina, nagmimistulang reunion ng mga magkakamaganak ang un
das. Kasali syempre jan ang walang humpay na kuwentuhan, halakhakan, suntukan (joke!) at minsan pa nga eh iyakan para dun sa hindi padin nakakapag move on sa nangyari. Sabay patol naman ng isa.. (haplos sa likod).. "Ok lang yan!..:)". Ako naman eh hindi ganun kadaldal pagdating sa baliktaktakan ng mga magkakamag-anak. Sabi ko nga, KEEN OBSERVER lang ako. :)
- Walking the dog. Sa cavite ako madalas makaranas ng ganito. Aminado ako. Lagi ko 'tong ginagawa, pero hindi ko naman sinasadya e. May mga tao talagang kung kelan maraming tao, tsaka gustong maglakad ng maglakad ng walang patutunguhan. Basta lakad ka lang. Para bang si Samuel Bilibid (magbasa ka ng Bible ü). At kada
lasan ng mga makasabay mo sa paglalakad ay ang mga.... (drumrolls...)
- Mr. and Ms. Undas. Eto ang ayoko! 'Nak ng teteng naman men! Sa sementeryo ka pupunta, nakaporma ka pa?! Pambihira. Eh ano na susuotin nyo sa pasko? Nasuot nyo na nung undas. Wag naman ganon! Netong nakaraan lang, pagpasok ko sa mala-Wowowee'ng entrance ng sementeryo, aakalain mong pumapasok ka sa isang bar na guest ang Gigger Boys at Sexbomb sa mga pormahan ng mga bagets. Gusto ko nga hiramin yung linya ni Vice Ganda at sumigaw ng "PARTEH PARTEH!!! LECHE!!" habang papasok ng sementeryo eh sabay bounce bounce para kumpleto. At infairness! Walang undas na dumaan na hindi ko naaamoy ang Bench™ Atlantis sa mga jejemon na pumapasok sa sementeryo.
Buti nga sainyo! Inulan kayo! BUAHAHAHA!
Ilan lang yan sa mga tatak "PINOY UNDAS". Alam kong marami din kayong nakakatawang (more like nakakapag-mura) napapansin tuwing undas. Pero aminin man natin o hindi, walang binatbat ang PRIKORPRIT (Trick or Treat) (sabi nung isang bata dito samin) ng mga banyaga sa Undas nating mga Pilipino.
Easy lang pureeeh!
PS. Gusto ko lang magbigay galang kay Lola King at sa iba ko pang kamag-anak na hindi ko napuntahan nung nakaraang undas. Alam nyo naman po kung anong dahilan. Pupuntahan ko po kayo some other time pero please, PLEASE! 'Wag nyo na ko dalawin, ako nalang dadalaw sainyo. :)

Get one-fourth sheet of paper.
Ilang beses ko binanggit ang salitang UNDAS?
Correct answers will get a chance to have a date with Dingdong Dantes, LIVE! HAHAHAHAHA!
GOOD VIBES MGA PUREEEH! :)