___
Ka-chat ko si Ronald, pinsan ko, nung isang gabi. Kasalukuyan kong pino-promote 'tong blog na 'to sakanya. May link sya na sinend sakin. Pag click ko, eto lumabas mga pureeeh!
May usok ako ng yosi sa bibig nang binasa ko ang comment ng magiting na si Enchong Panlillo (Hanep ka pureeh! Ang lakas pa man din maka-guwapo ng pangalan mo; ENSHONG. Oha. Tado! Ü). Masakit sa lalamunan ang mga sumunod na pangyayari. Inubo ako ng bonggang bongga kay kuya.
Laganap na ang pag gamit ng Facebook ngayon, lalo na sa Pilipinas. Dati, nung nagsimula ako sa social networking site na 'to, akala ko eh ito ang site para sa mga conyotiks, mayayaman, fly at ang Friendster naman ay para sa mga kawawang Jejemonsters. Ngunit kalaunan ay nasundan din tayo ng mga hinayupak at ayan, sa Facebook nagkakalat ng lagim (more like kahihiyan).
Pasintabi kay ate na may hindi-makabasag-pinggang litrato sa Facebook ha, pero kuya Enshong, alam ko naman na Pilipino ka e. Walang masama sa pag-tatagalog. Hindi krimen ang gamitin ang sariling wika. 'Yan tuloy, edi napagtawanan ka pa.
"is that really you??? if not! I'll block you as my facebook friend... sorry no offensement...:))"
At pinagtawanan mo din ang iyong sarili. HAHAHA! ULOL!
Alam nya kaya ang sinasabi nya? Well, siguro naman. Infairness naman kay Enshong, gusto lang naman kasi nya maka-siguro bilang madami na ngang mga posers na nagkalat kung saan-saan. Marami ng walang magawang tao na gumagamit ng ibang litrato para makahakot ng 5000 friend request per day. Kaya kay ate na may hindi-makabasag-pinggang litrato, wag ka magagalit kay Enshong. Gusto nya lang maka-sigurado sa'yo! No offensement! :)) =)) >:)) BUWISET KA PUREEEH!

No comments:
Post a Comment