Thursday, November 17, 2011

Say those words, like there's nothing else


When it's black,Take a little time to hold yourself,Take a little time to feel around,Before it's gone,
You won't let go,But you still keep on falling down,Remember how you saved me now,From all of my wrongs yeah,
If there's love just feel it,If there's life we'll see it,This is no time to be alone, alone, yeah,I, wont let you go,
Say those words,Say those words like there's nothing else,Close your eyes and you might believe,That there is some way out yeah,
Open up,Open up your heart to me now,Let it all come pouring out,Theres nothing I can't take,
If there's love just feel it,And if there's life we'll see it,This ain't no time to be alone, alone, yeahI, wont let you go,
If your sky is falling,Just take my hand and hold it,You don't have to be alone, alone, yeah,I, won't let you go,
And if you feel the fading of the light,And you're too weak to carry on the fight,And all your friends that you count on have disappeared,I'll be here, not gone, forever, holding on, Oh,
If there's love just feel it,And if there's life we'll see it,This ain't no time to be alone, alone, yeah,I, wont let you go,
If your sky is falling,Just take my hand and hold it,You don't have to be alone, alone, yeah,I won't let you go,
I wont let you go, I wont let, x 2,I won't let you go x 2
_____
For those who loved with all their heart, mind and soul. Everything will fall into places. Trust Him. :')

Saturday, November 5, 2011

LOVE; Be happy, or get miserable. :')



(RE-POST LANG PO)


Girl: I broke up with him.
Her Best Friend:What happened?
Girl: He’s just too much for me.
Her Best Friend:What makes you say that? What did he do wrong?
Girl: Well... for one.. He is so insecure..
Her Best Friend:So, you broke his heart because he wanted to keep your eyes
locked on him? He wanted you to see that you have the most good looking guy and not think otherwise? I see..
Girl: Oh.. Well.. He’d often call me or text me asking where I am, who I’m with, telling
me not to wear this, not to do this. He’s so clingy!
Her Best Friend:So, you broke his heart because he cares about your well being? Because he
cares about you a lot? And his greatest fear is losing you. I see..
Girl: But.. Uhh.. Well, he’d always cry when I say something slightly
mean. He can’t handle anything. He’s a crybaby!
Her Best Friend:So, you broke his heart because he has feelings? Genuine feelings for you? And because he just
wanted to hear you say you love him? I see..
Girl: I.. Well! You know, he’d get jealous easily. I could barely talk to other boys! He’s so annoying! I had to hide it from him.
Her Best Friend:So, you broke his heart because he just wanted you to commit to him? He thought you
were faithful, but you lied so he could find out later and hurt even
more? He just wanted the guy he loves the most to love only him. I see..
Girl: Well, he..
Her Best Friend:You broke up with him because he’s good for you? He just wanted the best for you? He’s
broken now because you were selfish. Are you proud? Happy?
Girl: I broke his heart.. Because I couldn’t see what was happening.. What happened to me?
His Best Friend: You lost the guy that loved you like no one else could.
You see? He let go of his things and embraced everything about you, expecting you to give it back to him. Expecting that you are with him.You didn’t want him when all he ever wanted was you. THAT’S what happened..

Tuesday, June 7, 2011

Angry Birds. Bastos 'pag tinagalog ko.

Let's talk about something bothering.


May Facebook ka ba? Kung meron, syempre, may friends ka. Excited ka mag-status. Check ng notifications, approve ng requests, check ng inbox, mag-like, view ng comments at mag-comment. Hindi ko alam kung paano ko itatawid 'to sa topic na gusto ko i-elaborate. Hahaha.

Masyado na tayong na-attach sa social networking site na ito. Attached. In a way na pag masaya ka, oooooppss! Isatus ko yan. Pag malungkot, pak! Post ng link galing Youtube na labsong. Pag may kaaway ka, eto pinakamatinde, MUMURAHIN KO 'TO SA ISTATUS KO SA EP-BI PERO HINDI KO PAPANGALANAN KASI GUSTO KO UNG MAY SUSPENSE-FACTOR UNG ISTATUS KO. MAHILIG AKO SA GUESSING GAME!!!

Watdapakisdat?!

Kelangan pa ba talagang malaman ng buong kamunduhan kung anong galit ang meron ka sa isang tao? Kelangan ba ipaalam mo sa lahat na marunong ka magmura nakakatakot ang istatus mo dahil PURO KAPSLAK AT TADTAD NG !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ?! Kelangan mo pa ba ipaalam sa tao kung ga'ano kababa ang pagkatao mo bilang sa isang website lang sa internet mo dinedepende yung galit mo?

Easy lang. Nakaka-highblood.

Pupuwede namang;

What's on your paking mind?

"Galit Ako"

or kung meron kang sapat na lakas ng loob para tuwirang sabihin sa kaaway mo, eto oh,

"Galit Ako ngayon kay (pangalan ng kukulamin)."

If enough is still not enough..

"(pangalan ng kukulamin), NASAANG SULOK KA NG MUNDO? I WANNA TALK WIJU, PERSONAL."

or

"(Emo quote muna or isang matinding b*tch line)-- Para sa'yo yan (pangalan ng kukulamin)!"

Chill lang di'ba? Relaxed. Wala kang ibang taong bibigyan ng VadBives pag may ibang nakabasa. Easy. Hindi nakakangawit. Kuha?

Tandaan;



"Public display of grudge and vengeance doesn't make you a higher person above anyone else, especially, not a better person on His eyes.." - Kuya Jonas Mo with Love :)


Sa susunod. Usap ulit tayo. :D

Kumusta?

So nandito nanaman ako. May katagalan mula nung huli akong mag-post dito sa blog sa ilang mga kadahilanan.

*Naputol ang internet connection namin.
*Walang pang-load ng Globe Tattoo
*Nawala ang desktop.
*Busy (?!)

Oh, 'di ba. Valid naman.

_____

Maraming bagay ang nag bago. Hindi ko na kailangan isa-isahin. May mga panahon na gustong gusto ko magbahagi ng kuwento sa mga kaganapan sa buhay ko sa paraang 'to, pero naisip ko, sobrang personal. Sa tao ko dapat sabihin. Hindi sa internet. Tao ang kelangan ko. Hindi load sa Tattoo.


Usap tayo. :)

Saturday, November 6, 2010

Facebook Disaster Pureeeh! (On My Own Opinion)

Kasalukuyang putol ang aming DSL Connection. Syet. Syet na malagkit. So meaning, lubog-litaw nanaman ako sa paglikha ng mga pukaw-atensyon kong posts dito sa aking mumunti at maduming blog. Share lang pureeeh! :)

___

Ka-chat ko si Ronald, pinsan ko, nung isang gabi. Kasalukuyan kong pino-promote 'tong blog na 'to sakanya. May link sya na sinend sakin. Pag click ko, eto lumabas mga pureeeh!



May usok ako ng yosi sa bibig nang binasa ko ang comment ng magiting na si Enchong Panlillo (Hanep ka pureeh! Ang lakas pa man din maka-guwapo ng pangalan mo; ENSHONG. Oha. Tado! Ü). Masakit sa lalamunan ang mga sumunod na pangyayari. Inubo ako ng bonggang bongga kay kuya.

Laganap na ang pag gamit ng Facebook ngayon, lalo na sa Pilipinas. Dati, nung nagsimula ako sa social networking site na 'to, akala ko eh ito ang site para sa mga conyotiks, mayayaman, fly at ang Friendster naman ay para sa mga kawawang Jejemonsters. Ngunit kalaunan ay nasundan din tayo ng mga hinayupak at ayan, sa Facebook nagkakalat ng lagim (more like kahihiyan).

Pasintabi kay ate na may hindi-makabasag-pinggang litrato sa Facebook ha, pero kuya Enshong, alam ko naman na Pilipino ka e. Walang masama sa pag-tatagalog. Hindi krimen ang gamitin ang sariling wika. 'Yan tuloy, edi napagtawanan ka pa.

"is that really you??? if not! I'll block you as my facebook friend... sorry no offensement...:))"

At pinagtawanan mo din ang iyong sarili. HAHAHA! ULOL!

Alam nya kaya ang sinasabi nya? Well, siguro naman. Infairness naman kay Enshong, gusto lang naman kasi nya maka-siguro bilang madami na ngang mga posers na nagkalat kung saan-saan. Marami ng walang magawang tao na gumagamit ng ibang litrato para makahakot ng 5000 friend request per day. Kaya kay ate na may hindi-makabasag-pinggang litrato, wag ka magagalit kay Enshong. Gusto nya lang maka-sigurado sa'yo! No offensement! :)) =)) >:)) BUWISET KA PUREEEH!

Friday, November 5, 2010

Undas; Araw ng Pormahan!


Since ang UNDAS ay katatapos lang, 'yan nalang ang pambuena mano natin.
___

Kung Pilipino ka, alam
mo na tuwing November 1/2 ay UNDAS. Kundi man All Saints Day, All Souls Day, Halloween, Araw ng Mga Patay, Ng Kalu
luwa o kung anuman ang gusto mo itawag jan. Araw ng Tulog ang tawag jan ng mga gaya kong estudyante. Hehe. Kung hindi ka naman Pilipino, malamang, hindi mo maiintindihan 'to. Hanap ka nalang ng porn site, mas matutuwa ka pa Ü. (If you're not a Filipino, you might probably won't understand this. Just look for a porn site, I bet you'll have more fun with that Ü)

Tradisyon ng ilan sa mga kababayan natin na dalawin ang kanilang mga naulila tuwing Undas. Kesa nga naman sila ang dalawin, wala naman atang matino ang may gusto no'n. May ilan na a-trenta palang ng October eh abala na sa pagkukudkod ng mga natuyong kandila sa lapida nung nakaraang undas. Pagwawalis ng mga kalat sa museleo. Pagpipintura ng mga nitso. At yung iba naman eh abala sa panggugulo.
Ako yun. :)

Masaya ang Undas sa Pinas. Aminin natin yan. Nagsisilbing reunion ito ng mga "naulila" at nagpi-feeling "naulila". Kung makakatakas, ginagawa din itong araw ng sugal. Kung hindi uubra sa gate ng sementeryo ang mga dalang baraha, eh hello?! Pinoy tayo. Kahit 3 pirasong benchingko 'yan, mapagpupustahan 'yan. Pustahan tayo.

Eto ang ilang mga bagay na may tatak na "Pinoy Undas"

- Unahin na natin ang mga pagkaing umaapaw tuwing araw ng mga deds. Kami, tuwing undas, hindi puwedeng hindi magluluto ng ulam, ga
gawa ng sanwits, bibili ng sopdrings, bibili ng sitsirya/kukutin. Ewan ko ba kung bakit mukang piyesta ang undas namin. Laging may mga pagkaing masasarap. Siguro yung iba eh nakaka-relate. Bakit nga ba? Ipinagdiriwang ba natin na namatayan tayo? Hehe. Pero isa 'to sa mga bagay na pg wala eh nagpapakulang ng Undas ko. :)

- Ang Bola. Bow. Alam kong minsan e natukso din tayo na sundutin yung mga tulo ng kandila, tapos, bibilugin natin ng sinlaki ng kulangot tapos isasawsaw ulit natin atsaka bibilugin hanggang sa makabuo ka ng bolang gawa sa kandila at tulyang matumba ang walang malay na kandilang pinaglalaruan mo sabay sigaw ng nanay mo.. "P*tangin*mooo! Lumayas ka nga jan! Tantanan mo 'yang kandila, ipakakain ko sayo 'yan!!!".

- Chika Minute! Tamaaa! Kung nagbabasa ka ng maige, sabi ko nga kanina, nagmimistulang reunion ng mga magkakamaganak ang un
das. Kasali syempre jan ang walang humpay na kuwentuhan, halakhakan, suntukan (joke!) at minsan pa nga eh iyakan para dun sa hindi padin nakakapag move on sa nangyari. Sabay patol naman ng isa.. (haplos sa likod).. "Ok lang yan!..:)". Ako naman eh hindi ganun kadaldal pagdating sa baliktaktakan ng mga magkakamag-anak. Sabi ko nga, KEEN OBSERVER lang ako. :)

- Walking the dog. Sa cavite ako madalas makaranas ng ganito. Aminado ako. Lagi ko 'tong ginagawa, pero hindi ko naman sinasadya e. May mga tao talagang kung kelan maraming tao, tsaka gustong maglakad ng maglakad ng walang patutunguhan. Basta lakad ka lang. Para bang si Samuel Bilibid (magbasa ka ng Bible ü). At kada
lasan ng mga makasabay mo sa paglalakad ay ang mga.... (drumrolls...)

- Mr. and Ms. Undas. Eto ang ayoko! 'Nak ng teteng naman men! Sa sementeryo ka pupunta, nakaporma ka pa?! Pambihira. Eh ano na susuotin nyo sa pasko? Nasuot nyo na nung undas. Wag naman ganon! Netong nakaraan lang, pagpasok ko sa mala-Wowowee'ng entrance ng sementeryo, aakalain mong pumapasok ka sa isang bar na guest ang Gigger Boys at Sexbomb sa mga pormahan ng mga bagets. Gusto ko nga hiramin yung linya ni Vice Ganda at sumigaw ng "PARTEH PARTEH!!! LECHE!!" habang papasok ng sementeryo eh sabay bounce bounce para kumpleto. At infairness! Walang undas na dumaan na hindi ko naaamoy ang Bench™ Atlantis sa mga jejemon na pumapasok sa sementeryo.
Buti nga sainyo! Inulan kayo! BUAHAHAHA!


Ilan lang yan sa mga tatak "PINOY UNDAS". Alam kong marami din kayong nakakatawang (more like nakakapag-mura) napapansin tuwing undas. Pero aminin man natin o hindi, walang binatbat ang PRIKORPRIT (Trick or Treat) (sabi nung isang bata dito samin) ng mga banyaga sa Undas nating mga Pilipino.

Easy lang pureeeh!

PS. Gusto ko lang magbigay galang kay Lola King at sa iba ko pang kamag-anak na hindi ko napuntahan nung nakaraang undas. Alam nyo naman po kung anong dahilan. Pupuntahan ko po kayo some other time pero please, PLEASE! 'Wag nyo na ko dalawin, ako nalang dadalaw sainyo. :)
Get one-fourth sheet of paper.

Ilang beses ko binanggit ang salitang UNDAS?

Correct answers will get a chance to have a date with Dingdong Dantes, LIVE! HAHAHAHAHA!

GOOD VIBES MGA PUREEEH! :)

INTRO-BOY

Ehem.

Marahil ay may kaunting magtataka kung ano ang silbi nitong blog na 'to. Well, actually, ang blog na ito ay binuo ko upang mailahad ko ang anumang saloobin, hinaing, pagpuna o kahit simpleng pangingialam ko lang sa kung anu-anong bagay na nakaka-daupang palad ko sa araw araw. May mga ilang bagay lamang na nais kong klaruhin hinggil sa pagdalaw sa aking mumunting espasyo sa dambuhalang mundo ng World Wide Web.

* Uunahan ko na kayo; HINDI ITO WHOLESOME NA BLOG. So, maaaring may mga mababasa kayo na puwedeng pumukaw sa inyong malinis na diwa at sa aktibong pamamahala ng MTRCB :)
* Welcome na welcome po dito ang lahat ng nais magbasa, matuwa, maiyak, mabwiset, pati narin ang matae.
* Wala pong personalan sa kung sino o anuman ang bahagyang madadawit sa ilan sa aking mga post. Pasensya na. Keen Observer lang. Naks! :)
* Tao po ako. Tao lang din ako. Wala lang. Haha!
* Hindi ko po layunin na maniwala kayo sa lahat ng sinasabi ko. Sinungaling ako minsan. Barbero. May maikwento lang. JOKE! Pero seryoso. Ang sa akin lang eh sasabihin ko kung ano yung alam ko. Okay? Okay. Gud! :)


Nawa'y lahat ng maeengganyo na magbasa o kahit sumulyap lamang sa aking munting blog ay may matisod kundi man mapulot na katiting na leksyon. Kung kalokohan man kung inyong ituturing eh, bahala na kayo. Che! :)